Raqi’s Secret Files

Raqi’s Secret Files

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

00:00
00:00

單集摘要

“Gusto ko na marinig pa rin niya yung ganda ng mundong ito kahit ako na yung makarinig ng masasakit na salita o pangit na salita. Handa akong akuin ang lahat ng hiya, ang lahat ng sakit para sa pamilya ko.”Ibinahagi ng letter sender ang kanyang kuwento tungkol sa matinding sakripisyong ginawa niya para matulungan ang kanyang inang nawalan ng kakayahang makarinig. Dahil sa kagustuhang makabili ng hearing aid para rito at sa bigat ng responsibilidad bilang anak, napilitan siyang sumubok ng isang bagay na hindi niya kailanman inisip na gagawin niya. Sa paghahanap niya ng paraan para makalikom ng pera, nakilala niya ang isang lalaking nangako ng tulong kapalit ng mga sensitibong larawan niya, ngunit nauwi ito sa panloloko at matinding takot. Isang kuwento ito ng pagmamahal sa pamilya, sakripisyo, at kung gaano kalayo ang kayang marating ng isang anak para sa mga magulang niya. Ito ang secret file ni Nancy.

單集

513-

Nakaipon ako sa pagbebenta ng pictures ko

05 Nov 2026
512-

Masarap kasama at masarap sa kama ang kabit ko

“Gusto kong ako yung babaeng pipiliin niyang panindigan.”Ibinahagi ng sender, isang single mom na may dalawang anak, ang kuwento ng pagmamahal niya sa isang lalaking mahigit isang taon na niyang nakarelasyon ngunit hindi pa rin kayang bigyan ng label ang kanilang relasyon. Sa una, wala siyang planong mahulog ang loob sa lalaki, pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unti siyang nahulog at nasanay sa presensya nito. Kahit ginagawa na nila ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng magkasintahan, nananatili siyang bitin sa kasiguraduhan dahil tila may bahagi pa rin ng puso ng lalaki na nakakapit sa nakaraan. Ngayon, nahihirapan siyang balansehin ang pagmamahal, selos at takot na baka hindi siya ang babaeng pipiliing panindigan nito. Ito ang secret file ni Joanne.

04 Nov 2026
511-

Suki ako ng extra service sa spa

Ito ang secret file ni Brian.

03 Nov 2026
510-

May batang sumusunod sa‘kin sa ospital

“Pakiramdam ko parang may puwersang humihigop o humihila sa akin papunta sa restroom kung saan siya nanggaling.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakatakot na karanasan habang nasa ospital kasama ang kanyang asawa. Sa gitna ng katahimikan ng hatinggabi, may nakita siyang batang lalaki na napakaputla ng mukha at kakaiba ang ngiti sa loob ng banyo. Ngunit mas nakakatakot ang sumunod na nangyari nang maramdaman niyang tila may puwersang kumokontrol at humihila sa kanya. Isang karanasang nagdulot sa kanya ng matinding takot at nag-iwan ng misteryong hindi niya madaling makalimutan. Ito ang secret file ni Belinda.

02 Nov 2026
509-

Muntik akong patayin sa sindak ng amo ko

“Pagbalik ko, nagulat ako… wala na ang alaga ko sa crib!”. Ibinahagi ng sender, isang yaya ng isang baby girl, ang nakakatakot na karanasan nang sandali niyang iwan sa crib ang kanyang alaga para kunin ang mga nakasampay na damit bago umulan. Pagbalik niya, biglang nawala ang sanggol kaya agad siyang nag-panic at kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya—mula sa posibilidad na may kumuha sa bata hanggang sa mga kuwentong may kinalaman sa maligno. Sa gitna ng malakas na ulan, takot at pangamba ang kanyang naramdaman, lalo na’t iniisip niyang maaaring mawalan siya ng trabaho. Pero ang mas nakakakaba, ang pag-amin niya sa amo tungkol sa pagkawala ng baby ay may kasunod na isang hindi niya inaasahang pangyayari. Ito ang secret file ni Tessa.

01 Nov 2026